Habang wala pang laro sa hard court, may isang pinagkakaabalahan ngayon si Scottie Thompson.
Isa nang certified plantito ang Barangay Ginebra guard. Proud naman sa ginagawa niya si Scottie. Iba raw ang feeling sa paghahalaman.
Katunayan, ipinakita ni Scottie sa kanyang Instagram story ang kanyang ‘money tree’. Tinag niya rito ang kanyan fiancée na si Pau Fajardo.
“Lumalago ‘yung money tree ko! I’m proud… proud na plantito,” ani Thompson. Ipinakita rin nito ang hamalamang “Pachira aquatica.
“Dati guys, sobrang ano ‘to… kaunti pa ‘yung dahon niya, ngayon lawak na.”
Ipinakita ni Thompson ang common belief tungkol sa money tree. Aniya, may hatid itong suwerte.
Ito ay kung ang bilang ng dahon (leaflets) o fingers sa petiolule ay lumagpas sa lima. “Sana dumami ‘yung pera ko,” ani Thompson.
Kamakailan, nagproposed si Scottie kay Paul noong New Year’s Eve. Umaasa siya na hindi lang suwerte sap era ang money tree. Kundi, maging sa kanyang lovelife.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT