Umalagwa na ang PBA bubble. So far, maganda naman ang naging resulta. Kaya, tuwang-tuwa si PBA Commissioner Willie Marcial.
Kagaya ng NBA, nag-set-up na rin ng virtual fan screen ang liga. Sa gayun ay parang may nanonkod na audience ng live sa mismong laro.
Makatutulong ito sa performance ng mga players sa court. Speaking of sino ang maaaring magchampion, magandang tanong ‘yan.
Kung line-up ang pag-uusapan, angat ang Barangay Ginebra, Tropang Giga, San Miguel Beermen. Gayundin ang Magnolia at Rain or Shine.
Ika nga, bilog ang bola. Maaaring magbago ang siste ng standings.Dahil nga sa single round-robin lang ang format ng laro, medyo liyamado ang Ginebra at Tropang Giga.
Sa tingin ko, sila ang magtatapat sa finals. Yan ay kung mapapasama sila sa Top 4. Twice-to-beat kasi yan. Mahirap talunin ang dalawang teams kapag ganyan.
Kapwa malalim ang rosters sa line-up nila. Solid. Kaya, malamang sila talaga ang magtatapat sa finals ng Philippine Cup.
‘Yan ay pakiramdam ko lang naman. Sa inyo mga ka-SlamBang, sino sa tingin n’yo?
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2