ARESTADO ang isang Barangay Councilor makaraang ireklamo ng kanyang incumbent Barangay Chairman ng pananaksak nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang diskusyon sa naging resulta ng halalan sa katatapos lang na Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa kanilang lugar sa Arnaldo Street, Barangay Dalahican 1 ng Cavite City bandang alas- 9:50 ng umaga nitong araw ng Martes.
Kinilala ang nagreklamong biktima na si Barangay Chairman Rodelio Carpenter Famy Jr., 51 taon gulang, habang nakilala naman ang Barangay Kagawad na suspek na itinago sa pangalan na si alyas “Lu”, 73 years old.
Base sa report ni Cavite City Chief Police, Police Lieutenant Colonel Christopher Guste, dating magkasama bilang running mate na kapwa nanalo sa eleksyon ang biktima at ang suspek subalit sa di inaasahang pangyayari ay nauwi sa demandahan ang kanilang magandang pagsasamahan ng magkaroon ng mainitang pagtatalo na naging dahilan para bunutin ng suspek ang dala-dalang kutsilyo sa kanyang likuran bago sinugod at inundayan ng saksak ang biktima na nagtamo ng sugat sa leeg at minor injury ayon sa medical record galing ng Cavite Medical Center.
Mabilis naman naaresto sa isinagawang follow up operation ng mga otoridad ang suspek at sasampahan ng kasong Attempted Homecide at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings. (KOI HIPOLITO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI