November 23, 2024

BANTAG NO-SHOW SA DOJ PRELIMINARY INVESTIGATION

HINDI nagpakita si suspended Bureau of Corrections Director General, Gerald Bantag sa kauna-unahang preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay sa double murder case o sa pagkamatay nina Percy Lapid at Jun Villamor. 

Pero Present naman ang mga Grupo ng Igorot na Suporters o Sumosuporta sa Ipinaglalaban ni  Bucor General Gerald Bantag hinggil sa kinasasangkutan nitong Percy Lapid at Jun Villamor Case Killing.

Ang grupo ng Igorot kanina ay nakabantay pa sa harapan ng DOJ kung saan bitbit nila ang mga tarpaulin na nagsasaad na walang kasalanan si Bantag sa krimen na ibinibintang sa kanya.

Kasabay ng kanilang pagpapakita ng suporta ay nag-alay naman ng Warriors Tribal dance ang grupo  ng mga Igorot na galing pa sa Mountain Province sa Cordillera at Bataan.

Gayunpaman  ay dumating naman ang abogado nito na si Atty. Rocky Balisong at makalipas ang kalahating oras ay dumating naman ang aminadong gunman na si Joel Escorial na bantay-sarado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.

Kaugnay nito’y hindi rin sumipot ang isa pa sa pinadalhan din ng subpoena at isinangkot din sa nabangit na krimen na si BuCor Deputy Security Officer na si Superintendent Ricardo Zulueta at wala rin siyang ipinadalang abogado.

Hindi naman pinayagan ang mga mamamahayag na makapasok sa loob ng Justice hall na pinagdausan ng pagdinig, pero nabatid na dumalo sa pagdinig ang mga testigong inmates via virtual zoom.

Samantala nire-set naman ang pagdinig matapos na naghain ng manifestation si Atty. Balisong dahil sa ang nakasulat na middle name ni Bantag sa subpoena ay Soriano, sa halip na Quitaleg kaya hindi muna sila naghain kanina ng counter affidavit.

Ayon pa kay Atty Balisong  Itutuloy na lang ang pagdinig sa kaso sa darating na December 5, pero ayaw kumpirmahin ni Atty. Balisong kung dadalo o haharap na ba ng personal si Bantag sa araw na itinakdang petsa sa Disyembre 5.