Isang bangkay na nang matagpuan ang katawan ng 26-anyos na jeepney driver na unang napaulat na tumalon sa isang creek sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Jay Paul Maniego, residente ng 29 Bisig ng Nayon, Brgy. Sangandaan, Caloocan City ni Erlinda Teorica, 70, dakong alas-6:40 ng umaga habang nakalutang sa Tugatog Creek sa P. Concepcion St., na naging dahilan upang ipaalam nito sa kanyang mga kapitbahay na nagtulong-tulong para i-ahon ito.
Sa isinagawang imbestigasyon nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt Jose Romeo Germinal II, habang lasing ang biktima ay nakita ito ng mga saksi na tumalon sa Tugatog Creek sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan dakong alas-3:30 ng madaling araw.
Ipinaalam ng kapitbahay ng biktima na si Justine Lebandena, 18, ang insidente sa kanyang pamilya na kaagad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng coast guard at Malabon Rescue Team subalit, hindi nila natagpuan ang biktima dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Tumanggi na ang pamilya ni Maniego at nag-executed ng isang waiver sa anumang imbestigasyona at awtopsy examination dahil naniniwala sila na nalunod ang biktima at walang naganap na foul play sa insidente.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON