TUTULONG ang Department of Migrant Workers na maiuwi ang bangkay ng tatlong overseas Filipino workers (OFW) na namatay sa nangyaring pagbaha sa United Arab Emirates.
Ayon sa DMW, nakikipag-ugnayan na ang kanilang Migrant Workers Offices (MWO) sa Dubai at Abu Dhabi sa lokal na mga awtoridad para maibalik ang kanilang mga labi sa Pilipinas.
“MWO-Dubai and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Office, in particular, met with the next of kin of the three OFWs. They explained the procedures needed to facilitate the repatriation of their remains back to the Philippines,” saad ng departamento.
Dalawang Pinay ang namatay dahil sa suffocation matapos maiipit sa loob ng kanilang sasakyan habang nasa gitna ng matinding baha noong nakaraang Miyerkules.
Samantala, binawian ng buhay ang isang lalaking OFW matapos magtamo ng injuries nang mahulog sa sinkhole ang kanyang sasakyan noong araw ding iyon.
Ayon sa DMW, dalawa pang OFWs ang sugatan sa nangyaring pagbaha.
“They are recuperating from their injuries, as reported by MWO-Dubai officers who were able to visit them in their hospital rooms,” dagdag nito.
Tinutulungan ng na rin ng DMW at ng mga tauhan ng OWWA ang mga na-stranded na Filipino sa Dubao International Airport na na-delay ang flight o naiba dahil sa matinding pag-ulan at masamang panahon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA