UMAABOT na 30 katao ang nasawi matapos malunod sa paglubog ng kanilang sinasakyang motor banca sa Talim Island sa Binangonan, Rizal.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi pa malinaw kung ilan ang sakay ng nasabing bangka pero nasa 40 katao ang tuluyang nasagip at patuloy na hinahanap ang iba pang pasahero.
Nabatid na dakong alas-12:30 ng tanghali kanina nang umalis ang motor banca Princess Aya papuntang Brgy. Gulod, Talim Island.
Dagdag pa ng PCG, hinagupit nang malakas na hangin ang motor banca kaya nag-panic ang mga tao at sumandal sa gilid ng bangka na naging dahilan ng pagtaob nito.
Kinumpirma ng lokal na ospital ng Darangan na dalawang babaeng pasahero ng lumubog na bangka ang idineklarang dead on arrival dakong alas-4:30 ng hapon.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA