January 23, 2025

BAMBOL ‘GEM’ NG PHILIPPINE SPORTS LEADERSHIP

MAGIGING abala ang susunod na taon mula simula hanggang sa dulo ng kanyang panibagong mandatong kinampanýa si Philippine Olympic Committee president Cong.Abraham ‘Bambol Tolentino.

Ang naturang pinuno ng Olympic family ng bansa ay malugod na tinuran ang mga nakakalendaryong international events na lalahukan ng Pilipinas kaya’t matapos ang holiday season ay  popokus na ang mga atleta ng bansa na sasabak bitbit ang bandila ng Pilipinas sa international competitions tulad ng  Southeast Asian Games , Winter Olympic Games,World Gàmes at iba pa  hangganģ sa susunod na Olympics 2028 sa Los Angeles ,California, USA.

“Salamat sa tiwala,nagsalita na ang Board kaya patuloy ang ating working team para sa tagumpay ng ating atleta at karangalan ng bayan,” sambit ni POC  chìef Tolentino sa kanyang mensahe sa ini-host niyang thanksgiving fellowship sa sports media nitong Martes sa Tagaytay City kung saan ay siyang alkalde ng lungsod.

Si Tolentino na itinuturing na gem ng Philippine  sports leadership  ay may resibo na sa kanyang panunungkulsn tulad ng makasàysayang first Olyympic gold sa Japan kortesiya ni Pinay weightlifter icon Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics nä sinundan pa ng double gold haul ni  Carlos Yulo ng gymnastics, Asian gold medalist polè vaulter at  ng Gilas Pilipìnas sa overall champion sa Southeast Asian Games.

” Mas komprehensibong future ng national team and I will never let you down!,”pahayag pa ni Bambol. DANNY SIMON