IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) Rep. ( Deputy Speaker) Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang tatlong Local Government Units na handang mag- host ng training ng mga national athletes ng NSA’s na maghahanda para sa pagsabak sa 31st Southeast Asian Games Vietnam 2021.
Ayon sa 8th District Cavite Representative, handang i-accomodate ang mga pambansang atleta nina Taguig City Mayor Lino Cayetano, Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino at Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas.
Babalikatin ng mga LGU’s ang pangangailangan ng mga atleta mula sa accommodation, food at training venues.
“Kasama lahat yun starting on July 1 up to November. It’s up to the NSA’s to decide on the duration of their stay,” wika ni Tolentino.
Welcome sa Taguig ang mga pambansang atleta sa volleyball at table tennis habang magsasanay sa Tagaytay ang mga nationals ng cycling at kickboxing habang ang mga martial artists sa judo, wrestling at karate ang ihu-host ng Sta Rosa.
“If we can get more LGU’s ,then good,” sambit pa ng pinuno rin ng Phil Cycling.
Ang fencing ay tradisyunal na nagsasanay sa Ormoc City sa timon ni dating fencer Mayor Richard Gomez at ang archery ay sa Dumaguete City.
Gaganapin ang 31st SEAGames mula Nobyembre21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi Vietnam kung saan ay overall defending champion ang Pilipinas.
Bitbit pa rin ni Bambol ang temang ‘Win as One’ na pormula sa overall title ng Pilipinas noong 30th SEAG Philippines 2019 sa pagdepensa ng kampeonato sa Hanoi, Vietnam..ABANGAN!
Lowcut:”Please join me and let us all welcome Ms LotTolico, as one of our honorary member of M24. She is presently the chairperson of Mrs Universe Philippines finest women and Mrs Philippines honourable Queens. She was also the former Mrs Universe Philippines title holder. Welcome to M24 – Sister LotTolico!”, M24 Builders of Guardians Canada ,USA and Philippines’ Founder/Organizer (Bro) Doc Chito Collantes M24B1024. Mabuhay ang Kapatiran!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA