January 23, 2025

BAKUNA MULA SA CHINA, DARATING NA SA LINGGO


TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na darating na sa Pilipinas ang donasyong bakuna laban sa coronavirus.

Sa kanyang statement, sinabi ng Chinese envoy na sa Linggo, Pebrero 28 ay darating ang 600,000 doses ng Sinovac-made vaccines “CoronaVac” na bigay ng China sa Pilipinas.

Sinabi ni Ambassador Huang Xilian na 24/7 na ang pag-aayos sa mga naturang bakuna upang ibiyahe sa bansa.

Nakasaad rin sa statement pagpapahalaga sa  tradition na namamagitan sa  China at Pilipinas na tulungan ang bawat isa sa panahon ng kagipitan o pangangailangan, na mayroon pang quote na  “A friend in need is a friend indeed.”

Binanggit din ni Huang na ang bakunang donasyon ng Tsina ay patunay nang pagkakaisa, malalim na pagkakaibigan at partnership sa pagitan ng mga Filipino at Chinese at ng dalawang bansa.

Pinasasalamatan ni Huang ang lahat ng kumilos upang maisakatuparan ang donasyon.

Umaasa aniya siya na sa pamamagitan ng bakunang handog ng China sa Pilipinas ay masisimulan na mass vaccination upang makontrol ang paglaganap ng covid 19 at maagang makabalik sa normal ang pamumuhay ng mga Filipino.   

Panghuli, sinabi ni Huang na ang friendship and partnership ng Pilipinas at China sa gitna ng pandemya ay tuluy-tuloy na uusbong at magkatuwang na lalaban sa pandemya.