December 24, 2024

PANGINGIALAM NG US SOLONS SA ANTI-TERROR ACT, DAPAT O HINDI

Dapat nga ba o hindi na magpaabot ng pagtutol ang mga mambabatas ng Amerika sa Anti-Terror Act o 2020?

Mga Cabalen, tila ang di pagkakasundo ng Pilipinas at Amerika ay nakikita hindi lamang sa pagitan mga usapin hinggil sa kung sino ang kanilang kaalyadong bansa.

Ang pagkampi ng Pilipinas sa mga bansang di kapalagayang loob ng Amerika gaya ng China at Russia ay lalo pang nagdagdag sa maiinit na bunbunan ng Malakanyang.

Ipinarating ni Illinois Rep.Jan Schakowsky , Senior Deputy Whip ng US House of Representatives at 49 na mga kasamahang mambabatas ang kanilang di-pag sang-ayon sa Anti-Terror Act of 2020.

Sa pamamagitan n g isang sulat na ipinarating ni Schakowsky kay PhilippinesAmbassador to the US Manuel Romualdez ang kanilang tahasang pag-sang ayon sa Anti-Terror Act.

Pinababawi ng mga mambabatas ng Amerika ang kakapasa pa lamang na Anti-Terror Act sapagkat ito daw paglabag sa karapatang pantao.

Ayon sa mga US solons, ang Anti-Terror Act of 2020 kapag umiral na ay makakadagdag sa napakarami nang kaso ng human rights violation sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.

Anila, marami nang nalabag na batas kontra sa karapatan ng tao at lalo pang madadagdagan sakaling umiral na ang nasabing batas dahil lubhang napakaraming butas nito.

Pumalag naman ang Malakanyang sa hakbang na ito ng mga mambabatas ng Amerika. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakakadismaya ang pakikialam ng US solons habang hindi naman umano sila ang “colonial master” ng Pilipinas.

Bakit nga kaya ganito na lamang ang panghihimasok ng US sa Anti-Terror samantalang mismo sa Amerika ay talamak din ang nangyayaring human rights violation?

Kaya mga Cabalen, pabor ba kayo o hindi na panghihimasok na ito ng US? Dapat nga bang sila muna ang maglinis nng kanilang sariling bakuran? Bago makisawsaw sa usapin ng ibang bansa?

Hanggang sa muli mga Cabalen. Nawa ay ligtas kayong lagi sa ano mang karamdaman at sakuna.