SENTRO ng atensyon sa sports community ang pagdaraos ng kumpetisyon sa larangan ng judo bukas ng umaga sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Ayon kay Philippine Judo Federation top brass David Carter, magpapakitang gilas ang lahat ng judokas sa kanilang kategorya simula bukas (Okubre 28) hanggang (Oktubre 29) sa pagsambulat ng Philippine World Judo Federation-World Judo Day Championship sa Badminton Hall ng RMSC.
“Itong torneo ay open sa lahat ng miyembrong atleta ng PJF mula ss commercial division clubs, collegiate category hanggang sa miyembro ng national pool at elite division.It is a part of our long term preparation sa pagtuklas ng magagaling na judokas na posibleng kakatawan sa bansa in the near future,” pahayag ni Carter na isa ring dating judoka noong kanyang peak as a player.
Kasabay ng kanyang paanyaya sa paglabok ng kanilang judokas in full force ay ang pasasalamat niya sa Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni PSC Chaiirman Richard at Philippine Olympic Commiittee ( POC ) president Abraham ‘Banbol Tolentino.
Ang larangan ng judo ay isa sa mina ng ginto sa nilalahukan ng Pilipinas na Southeast Asian Games maging medals of any color sa Asiad.
“Past phase ang development ng ibang bansa na umaasenso na sa larangan ng judo kaya need na nating makipagsabayan kundi man malagpasan ang mga karibal na bansa sa international competitions. We need more events like this upang mahasa nang husto ang ating Filipino judokas at laging handa sa pakikibaka,” ani pa Carter.
Raratsada ang bakbakan sa judo ika-9 ng umaga.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI