SABI nila kahit na guilty na ang anak sa nagawa nitong hindi maganda, pilit na haharapin ito ng kanyang ina. Pinalagan ni Karla Estrada, ang batikos na ipinupukol sa kanyang anak na si Daniel Padilla ng TV host na si Cristy Fermin bago umamin ang KathNiel sa isyung hiwalayan at sinabi niyang hindi totoong may sinabihan siya na hiwalay na ang mag-couple. At diin niyang sinabi na,
“Hindi cheater ang anak ko! My son is not perfect but he’s growing and learning.
“People commit mistakes and it’s crucial to understand the context and effort he’s putting in to become a better person,” paliwanag ni Karla Estrada.
Kaso may nakakita sa kanya na kausap niya ang mga abugado, kaya hayun jump to conclusion agad ang mga netizens.
Balak ba niyang magsampa ng demanda sa mga taong patuloy na nagpapatotoo na ang anak niya ay isang cheater?
“Kung totoong magdedemanda siya, marami siyang sasampahan ng kaso. Aware ba si Ms. Karla, sa consequences na legal remedy na balak niyang gawin. Kung totoo ngang magdedemanda siya?
“Hindi ba raw niya inisip na baka masira siya dahil, host pa naman daw siya ng programa niyang ‘Face to Face’ at baka makasira siya sa tagline ng kanyang show na ‘hindi kailangan pang humantong ang kaso sa korte kung maaari namang pag-usapan… Face to Face,” kwento pa ng aking source.
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK