November 5, 2024

Bagyong ‘Emong’ Posibleng Mag-Landfall sa Batanes-Babuyan, Signal no. 1 sa Ilang Lugar Itinaas


POSIBLENG mag-landfall o lumapit nang husto ang Bagyong Emong sa bisinidad ng Batanes-Babuyan Island mamayang hapon o gabi, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Bandang alas-7:00 ng umaga nang mamataan ang sentro ng naturang bagyo sa layong 385 kilometro hilagangsilangan ng Tuguegarao City, Cagayan ngayong Lunes.

Inaasahan din na lalabas si Emong sa Philippine Area of Responsibility sa Martes.

Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 1 ngayon sa:

  • Batanes
  • Northeastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) including Babuyan Islands


Ang mga sumusunod na lugar ay makatitikim ng mga malalakas na hanging aabot sa 30-60 kilometro kada oras sa loob ng 36 oras.