November 23, 2024

BAGONG NAVOTAAS ULIRANG PAMILYANG MANGINGISDA SCHOLARSHIP

PINIRMAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang memorandum of agreement na nagbibigay ng scholarship sa mga bagong estudyanteng Navoteño mula sa mga pamilyang mangingisda sa lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang MOA signing na sinaksihan ng mga opisyal ng lungsod.

Binati naman ni Mayor Toby ang mga bagong napiling mga scholar ng bayan at mensahe niya para sa mga ito na sana ay magiging inspirasyon nila ang pagpili sa kanila para pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.

Samantala, nagpasalamat naman si Cong. Tiangco sa Pamahalaang Lungsod sa napakagandang programa sa pagbibigay ng scholarship sa mga ulirang pamilyang mangingisda.

“Lagi natin sinasabi dito sa ating lungsod ang pinakayaman natin ay Navoteno, bagamat mahirap at maraming pagsubok ay ginagawa ng ating mga mangingisda ang lahat para sa kanilang pamilya dahil gusto nila makapagtapos ang mga anak nila,” pahayag niya.

Ang Navotas ay nagbibigay sa Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholar ng P16,500 allowance para sa transportasyon at pagkain, at P1,500 na book stipend kada academic year.

Inaasahang an mga iskolar ay dadalo sa kanilang mga klase at aktibidad sa paaralan, mapanatili ang pasa dong grado, at tuparin ang iba pang mga gawain.

Itinatag ng Navotas ang programa noong 2018 kung saan abg scholarship ay maaaring i-renew taun-taon, depende sa pagsunod ng benepisyaryo sa mga tuntunin at kundisyon na itinakda ng pamahalaang lungsod.