Inanunsiyo ng University Athletic Association of the Philippines ang nanalong entries sa UAAP Logo Design Contest. Pinangalanan ni UAAP President Emmanuel Calanog na ang entry ni Darryl John Digal ang nagwagi.
Ang entry ng Far Eastern University ang naging top prize winner mula sa 200 submissions. Pormal na ilalatag ng liga ang winning logo sa UAAP Season 84 opening. Na target na simulan sa March 2022. Pinaliwanag ni Digal kung ano sumisimbolo sa ginawa nyang logo.
“Our athletic heritage and culture, emphasizing the mission to promote cultural diversity, character development, and athletic excellence.”
Naging inspirasyon niya sa simbolo ang traditional national sport na ‘Sipa’.
“ The said sport taught us to develop our sportsmanship and values. Such as camaraderie, fairness, and civility,” aniya. Ang mga kulay naman ay sumasagisag sa mga nagkaisang universities na kalahok sa liga.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2