KAILANGANG tapatan ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang trapping defense at sniping offense ng defending champion San Juan Knights para mahablot ang bentahe sa serye sa game3 ng best-of-five Lakan Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League Sabado sa Subic Bubble, SBMA, Olongapo City.
“Dapat tayo ang agresibo. Neutralize ang trap at kailangang pumutok ang long bombs ng Tigers natin.Big adjustments, kaya natin yan”,pahayag ni deputy team manager Ray Alao na sinegundahan nina basketball operation head Bong Baribar at buong coaching staff.
Ang Tigers ni team owner Rep.Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife president Atty .Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay nahablot ang game one ng serye pero rumesbak ang San Juan sa game 2 na parehong dikit ang laban.
Sasandig muli ang Tigers sa pamumuno ni slotman Mark Yee kaagapay sina Billy Robles, Bonbon Custodio, Emman Calo. Kenneth Mocon, Yvan Ludovice Marco Balagtas, Joseph Terso,Gerwin Gaco kontra fronliners ng Knights Ayonayon,Jonnard Clarito,John Wilson, Larry Rodriguez atbp.
Krusyal na laban ang game3 kung saan ang mananaig ay malaki ang tsansa para sa. decider ng national crown.
Umaasa ng magandang balita ang mga taga Malita sa Davao Occidental sa pangunguna ni Gov.Claude Bautista at mga Tigers followers mula Mindanao maging sa Visayas at dito sa Luzon. Taas ng ekspektasyon….
ABANGAN!
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE