November 23, 2024

BAGONG BATAS NA TATAPOS SA ECONOMIC SABOTAGE HANDA NANG IPATUPAD NG DOF


Handa na ang Department of Finance, katuwang ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpapatupad ng bagong batas na tatapos sa talamak na smuggling, cartels, profiteering at hoarding ng agricultural products upang tiyakin ang food security sa mga Filipino, ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.

Nitong Setyembre 26, 2024, ganap nang naging batas ang Republic Act No. 10222 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na layon palakasin ang agricultural sector sa bansa, sa pamamagitan ng pagpigil sa mga illegal activities na humahadlang sa suplay ng pagkain at nagsasanhi sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Sa ilalim ng batas ang term ng agricultural products ay saklaw na ngayon ang livestock, aquatic products at tobacco.

“The new law gives more teeth to the government to relentlessly run after smugglers whose illegal activities undermine our farmers, fisherfolk, and consumers. Through a stronger and stricter crack down on these offenders, we protect our people’s access to affordable goods and boost our revenue collections, which will allow the government to provide more essential public services to Filipinos,” ayon sa Finance chief.

“It sends a very strong message to smugglers, hoarders, and profiteers that their days of unscrupulous activities are numbered,” dagdag pa niya.

Mas mabigat aniya ang bagong batas na ito kumpara sa Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Bilang karagdagan sa multa na limang beses ng halaga ng smuggled o hoarded na mga produktong pang-agrikultura o pangisdaan, ang mga lalabag ay nahaharap din sa habang-buhay na pagkabilanggo kung mapapatunayan ang kanilang pagkakasala.