MANILA – Sa isang advisory, nilinaw ng Bureau of Immigration na sinumang alien investor na may planong pumasok ng bansa ay kinakailangang magkaroon ng investors’ visa bago sila payagang makapasok ng Pilipinas.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan na may hawak ng mga visa na ipinagkaloob alinsunod sa Executive Order No. 2267 o ang Omnibus Investment Code, na binago ng Republic Act No. 8756, gayundin sa mga may Special Investor’s Resident Visa (SIRV) na inilabas alinsunod sa EO 226 ay maaring payagan na makapasok sa bansa kung sila ay mayroong valid at existing visas.
“Those who will be entering the country under visa types not yet allowed by the IATF will still be restricted,” paglilinaw niya.
Inilabas ang advisory matapos ang request mula sa iba’t ibang grupo ng mga negosyante para sa klaripikasyon kung aling investor ang pinapayagan na makapasok ng bansa.
Ipinaliwanag ni Morente na humingi ang BI ng paglilinaw mula sa Department of Justice (DOJ) tungkol sa kung ang mga may-ari ng SIRV ay nasasakop ng inbound travel restriction kasunod ng maraming katanungan at concern ng iba’t ibang panig kaugnay sa isyu.
Napagpasyahan ng DOJ na alinsunod sa pinakabagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF), exempted ang mga SIRV holders mula sa inbound travel restriction na ipinataw sa mga dayuhan, dahil ang kanilang visas ay inilabas din alinsunod sa EO No. 226.
Ang visas sa ilalim ng EO 226 na sinusugan ng RA 8756 ay ibinigay sa mga banyaga na nagtatrabaho bilang executives, kanilang asawa at mga anak na walang asawa na may edad na 21-anyos pababa, ng regional o area headquarters ng multinational companies. Sa nasabing mga visa ay may bisa sa loob ng tatlong taon, o katumbas ng alien’s employement contract sa headquarters.
Sa kabilang banda, ang SIRV ay isang programa ng pamahalaan na na humihikayat sa mga foreign investor sa bansa. Ang SIRV program ay kinakailangan na ang mga investor ay mag-invest ng capital sa viable economic activities. Ang asawa at hindi kasal na mga anak na nasa 21-anyos pababa ang edad ng SIRV holders ay pinayapagan din na makakuha ng SIRV bilang dependents.
Bagama’t, nilina niya rin na ang lahat ng SIRV ay hindi pinapayagang makapasok.
“SIRVs issued under Executive Order No. 63 in tourist-related projects and tourist establishments are still restricted. Only those issued under EO 226 may be allowed for now, following the IATF ruling,” pahayag niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY