Bago bumalik sa kanilang trabaho ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay kailangan muna nilang sumailalim sa swab testing para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
“Experts said there is a possibility of a dramatic increase of COVID cases after the holidays. We deemed it prudent to have our employees tested for their own safety and the safety of those they come in contact with while working,” ani Mayor Toby Tiangco.
Lahat ng emeyado, kabilang ang mga opisyal ng lungsod ay naka-iskedyul para sa testing sa January 4-8.
Hindi sila kailangang dalhin sa quarantine o isolation kung hindi sila na tagged bilang close contacts ng COVID patients o hindi nagpapakita ng anumang symptoms ng sakit.
Noong June, ang mga nagtatrabaho sa Navotas city hall ay sumailalim din sa COVID-19 test.
Naglunsad din ito ng malaking community testing mula ng ipatupad ang city-wide lockdown noong July 16.
Bukod dito, nanawagan ang lungsod sa mga kompanya at informal workers na naka-base sa Navotas na sumailalim sa libreng COVID testing ng lungsod. “Testing is free for all Navotas residents and non-Navotas residents employed by companies in the city. Extensive testing, coupled with immediate quarantine, isolation or treatment, could help us minimize COVID transmission,” sabi ni Tiangco.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY