
Arestado ang isang 45-anyos na babaeng pasahero na dumating mula Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong gabi ng Mayo 29, 2025, matapos siyang ma-flag ng Bureau of Immigration dahil sa isang outstanding warrant of arrest.
Ayon kay PBGen. Christopher Abecia, direktor ng Aviation Security Group (AVSEGROUP), ang suspek ay hinuli sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas pa noong Hulyo 30, 2013 kaugnay sa kasong estafa, na may rekomendadong piyansang ₱40,000.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng koordinadong aksyon sa pagitan ng Bureau of Immigration, NAIA Police Station 3 ng Aviation Security Unit-NCR, at Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District (MPD).
Ang babae, residente ng Viente Reales, Valenzuela City, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Barbosa Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.
Ayon kay Abecia, ang pagkakaaresto ay patunay ng bisa ng koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno sa pagpapanatili ng seguridad sa mga paliparan.
“This highlights the effectiveness of our joint efforts and the importance of inter-agency collaboration in maintaining airport security. We remain steadfast in ensuring that individuals with arrest warrants are brought to justice, upholding public safety and the rule of law,” ani Abecia. (ARSENIO TAN)
More Stories
DepEd binawasan ng 57% ang school forms ng mga guro
MRT-7 mula Trinoma hanggang Sacred Heart, target buksan sa 2027 – DOTr
Kiefer Ravena at Diana Mackey, kasal na sa susunod na linggo! Prenup photos, ibinida sa IG