MAY sapat na dahilan ang Bureau of Immigration (BI) para palayasin ang Chinese national na nanakit sa siklista at nandura sa isang security guard sa lungsod ng Makati.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI National Operations Center spokesperson at chief Melvin Mabulac na napag-alamang overstaying na sa bansa ang Chinese national na kinilalang si Dong Li.
“Nakita natin na itong Chinese na ito ay isang turista lamang. Hindi pa siya nakapag-comply ng pag-update na kanyang status,” wika ni Mabulac.
“Basically, dalawa ang ating tinitingnan natin: Siya ay overstaying. At the same time, ‘yung undesirability. Klarong klaro po sa social media—naging viral pa nga ‘yan—ang disrespect to authority,” dagdag nito.
“Bawal na bawal ‘yan. Hindi ibig sabihin na kapag dayuhan, siya ay may espesyal siyang batas. Kung ano ang batas na ipinapatupad sa isang ordinaryong Pilipino, dapat sundin ng kahit sinong dayuhan na nandito sa ating bansa.”
Dahil dito inirekomenda ng BI ang deportation laban sa babaeng Chinese.
Naaktuhan sa video si Dong na nananakit ng siklista gamit ang isang payong sa Makati City. Dinuraan din nito ang isang sekyu sa isang kainan.
Una na ring naghain ng criminal complaint of assault to persons in authority, physical injuries and disobedience to authorities ang Makati PNP nitong Huwebes sa Makati City Prosecutor’s Office.
Humingi na rin ng tawad si Dong at inihayag na tatalima na nito sa mga batas ng bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA