
Nasa peligro ang PH Azkals na pumalaot sa 2023 AFC Asian Cup matapos ang 4-0 loss sa Palestine. Ang laro ay dinaos sa MFF Training Centre sa Ulaanbaatar sa qualifiers end.
Sinubukan ng Azkals na makatuntong sa Asian Cup. Subalit, hinadlangan ito ng Palestinians. Ang huli ang siyang nanguna sa Group B matapos ang third win. Ang panalo sana ay otomatikong magpapasok sa Azkals sa Asian Cup. Maglalagay din ito sa koponan bilang top team sa grupo.
Sa kabuuan, may 1 talo, 1 draw kontra Yemen at 1 panalo sa Mongolia, maghihintay ang Azkals sa resulta ng iba pang laban. Hiling ng team na mapabilang sila sa 5-best second-placers sa 6 groups. Tsansa pa ito upang umabanse sa tournament proper sa 2023.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT