NAGPATULOY pa ang pagbagal ng inflation sa bansa sa pagbaba ng inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa 2.8 porsiyento noong Enero mula sa 3.9 porsiyento noong Disyembre 2023.
Ito ang pinakamababang naitalang inflation rate ng Philippine Statistics Authority simula Oktubre 2020.
Noong Disyembre 2023, nasa 3.9% ang naitalang inflation rate, habang noong Enero 2023, ito ay nasa 8.7%.
“The downtrend in the overall inflation in January 2024 was primarily brought about by the slower annual increment of food and non-alcoholic beverages at 3.5 percent in January 2024 from 5.4 percent in the previous month,” anang PSA.
“Also contributing to the downtrend was housing, water, electricity, gas and other fuels with slower annual increase of 0.7 percent during the month from 1.5 percent in December 2023,” dagdag nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY