Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo, mga ginigiliw kong Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y hindi magmaliw ang di nauubos na biyaya’t pagpapala ng Panginoong Diyos.
Mga Ka-Sampaguita, ating talakayin ang tungkol sa isa na namang paglabag sa regulasyon at batas ng ipinasarang higanteng network na ABS-CBN.
Nitong nakaraang Mayo, natuluyang nawala sa ere ang istasyon sa bias ng cease and order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Kaya, hindi na napanood ang ng mga tagasubaybay nito ang ilang programa gaya ng balita at teleserye— lalo na ang napakahabang palabas na action na Ang Probinsiyano.
Kagaya ng tila isda o buwayang na-trap sa lambat, pilit kumawala ng istasyon. Gumawa ito ng paraan upang muli silang mapanood, gaya ng programa nila sa pagbabalita. Ang lagay, napapanood sila sa digital television. Kung may TV Plus ka, mapapanood mo sila.
Gayunman, labag aniya ito ayon sa NTC. Naku, naliktikan kang bata ka!
Kahit ako man ay nagtataka ‘e. paso na ang prangkisa, pumapalag pa.
Kaya naman, sinupalpal at kinuwestyon nina Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla at Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa joint hearing ng House committees on legislative franchises at ng good government and public accountability sa joint hearing— ang paandar ng istasyon na patuloy na nag-o-operate sa digital TV gayung expired na ang kontrata. Tsk!
Giit nga rito ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova, wala sa hulog ang pag-ere ng ABiaS- este ABS-CBN sa digital TV gamit ang frequency ng sister company nito na AMCARA Broadcasting Network gamit ang Channel 43. Oo nga naman at hindi ba’t nakasaad ang gayung alitintunin sa ‘cease and desist’ order?
Pati AMCARA ay wala rin sa hulog, gayung nakasaad sa ‘provisional authority to operate’ na ibinigay dito noong 2019—- na sa sandaling matapos na ang franchise ng ABS-CBN, wala na itong ‘K’ na gamitin ang frequency ng una para maka-ere sila sa pamamagitan ng digital television.
Kaya naman, umaksyon agad ang ahensiya ni Cordova sa pamamagitan ng pagsulat sa Offcie of the Solicitor General, dahil nabatid nilang patuloy na nag-o-operate ang Kapamilya sa Channel 43. Natanggap naman nila ang rekomendasyon ng OSG.
Ano yun, mga Ka-Sampaguita? Ala ‘e dapat na maglabas ang NTC ng alias cease and desist order para pigilan ang pagporma pa ng ABS-CBN— para mapahinto ang kanilang programa gamit ang Channel 43.
Pero, dumepensa rito si Carlo Katigbak, President at CEO ng Kapamilya. Kesyo, nagsasa-himpapawid sila gamit ang frequency ng AMCARA. Kasi block timer daw sila. Aniya, pinapayagan naman ito sa broadcasting industry.
Lumalabas, parang wala sa hulog ano po? Pwede bang magneho ang isang driver kahit paso na ang lisensiya; tapos wala pang plaka ang sasakyan— gamit ang sasakyan ng iba? Aba’y hindi, ano po?
Kung ano man ang magiging kapalaran ng Kapamilya network sa panibagong usaping ito, ala ‘e, nakasasalalay sa imbestigasyon ng kinauukulan; kung sila ay lumabag o nasa hulog na.
Ang ating aabangan mga kababayan, tuluyan na kayang mamaalam sa pag-ere sa digital TV ang ABS-CBN; gayung may go signal na ang kinauukulan na huminto na sila sa pagsasa-himpapawid?Adios Amorsekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino