December 24, 2024

AYON KAY BOY ABUNDA: I’M VERY VOCAL ABOUT MY FEELINGS ABOUT THE DEATH OF ABS-CBN

GRABE ang batikos nila kay Boy Abunda. Gusto nila sa pagiingay ay kasama nila ito na nagrarally sa harap ng ABS-CBN. Mas pinili ni Kuya Boy ang manahimik, dahil hindi niya ugali ang magpapansin.

Nagsalita na si King of Talk Kuya Boy Abunda, tungkol sa batikos nila sa pananahimik niya sa pagsasara ng ABS-CBN.

Sa talk show na The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube, narito ang sagot ni Kuya Boy sa mga akusasyon na ipinupukol sa kanya:

“I’m not silent. I’m actually very vocal about my feelings about the death of ABS-CBN. People say that the King of Talk is not talking.”

Wala pang platform si Kuya Boy, kaya hindi niya maipaalam ang kanyang side sa madlang people. Ang kanyang The Bottomline at Tonight With Boy Abunda, ay naisara kaya hindi niya maipahayag ang kanyang mga saloobin.

Sabi pa ni Kuya Boy, “When I am in grief, I am quiet. When I am in pain, I am quiet. I don’t like being fast over. Ayoko ‘yung people paying so much attention to me. I like to be quiet. I like to think. It takes a while for one to be able to embrace that pain completely.”

At ayon pa kay Kuya Boy kinowt pa niya ang sinabi ng presidente ng South Africa na si Nelson Mandela na “Don’t enter the debate too early. Listen. I would say right now, we need to pace because this is going to be a long, long winter.”

Nasaktan din daw, umiyak at nagalit si Kuya Boy. Lahat daw iyan ay kanyang pinagdaanan. Kaya nga nu’ng ma-deny ang prangkisa at ma-shutdown na nang tuluyan ang Kapamilya network, hindi niya iyon matanggap.