May 3, 2024

AYA MEDEL, BINIRA DAHIL SA PAGSUPORTA KAY BBM, RESTO PINABO-BOYKOT

Suportado ng dating sexy star na si Aya Medel ang kandidatura ni BongBong Marcos sa 2022 national elections. Ito raw ang kanyang iboboto sa pagka-presidente. Katunayan, nagpost pa si Aya sa kanyang social media account tungkol dito.


Pero, may lumabas na sitsit na kasama raw siya sa list ng mga taga showbiz. Na kung saan ay nag-volunteer na ikampanya si VP Leni Robredo. Pero, pinasinungalingan ito ni Aya.


“I did not sign for that po. My President is BBM,” ani ng aktres sa Facebook page nya.


Dahil dito, pinabo-boykot ng ilan ang kanyang Japanese resto niya sa Tabaco, Albay. Ito ay ang Ishiaya’s Bistro dahil maka-BBM siya. Aniya, may 50 staff siya na umaasa sa kanya sa resto. Tapos ipapa-boykot lang ng kung sino. Isa pa, inaatake rin siya na kesyo boldstar siya nun. Na binansagang ‘ Papaya Queen’. Isa sa bashers ni Aya ay pari.


Banat niya, kasalanan ba niya na ganun ang choice nya? Kasalanan din bang magpost ng ganun sa wall niya?