May 12, 2024

AWRA BRIGUELA, PINAGTAPOS ANG AMA NG MASTER DEGREE IN BUSINESS ADMINISTRATION COURSE

MASAYANG ipinost ni Awra Briguela, sa kanyang Instagram na kanyang napagtapos ang kanyang ama.

Napagtapos niya ito ng Masteral Dedree in Business Administration course, pero hindi niya sinabi kung saang eskuwelahan niya napagtapos ang kanyang ama.

“Masaya ang mga fans ni Awra, dahil sobra-sobrang suporta ang binigay niya sa kanyang ama. At sa halip na unahing mag-aral siya ay, mas pinauna na niya ang ama.

“Isang inspirasyon si Awra sa mga kabataang artista na proud na mapag-aral at mapagtapos ang kanyang ama, dahil alam niya ito ang isang best way para makatulong sa pamilya nila ang kanyang ama,” masayang pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.