January 23, 2025

Australia, nakatakas sa Lebanon, champ sa 2022 Fiba Asia Cup

Nakatakas ang Australia sa matikas na laro ng Lebanon, 75-73 sa finals ng 2022 Fiba Asia Cup sa Jakarta, Indonesia. Ikinagulat ng Boomers ang impresibong laro ng Cedars sa torneo. Kung saan, nahirapan silang talaga na maiwanan sa iskor ang Lebanon.

Photo courtesy by FIBA Basketball

Dahil sa panalo, nakuha ng Australia ang second straight gold medal sa torneo. Sila rin ang nagkampeon sa 2017 Fiba Asia Cup sa Zouk Mikael.

Binuhat ni Wael Arakji ang Cedar sa kanyang monster performance. Naging rason upang makahabol ang Lebanon mula sa 22-10 lead ng Boomers sa 1st quarter. Nakadikit pa ang Cedars sa fourth, 74-73 sa crucial seconds. Subalit, nadisgrasya lang ng Aussies sa laro.

Nanguna naman sa opensa ng Aussies si NBA veteran Thon Maker na naglista ng 14 points at 8 boards. Kasama na rin dito ang 3 assists, 3 blocks at 2 steals. Nagdagdag naman si Mitch McCarron ng 12 points, 4 boards, 5 dimes at 4 steals.

Ang 18-anyos naman na si Tyrese Proctor ay nagtala ng 10 points, 4 boards at 2 assists. Sa panig naman ng Lebanon, gumawa si Ali Haidar ng 23 points at 9 boards para sa silver finish.

Nakuha naman ng New Zealand ang bronze medal sa pagtalo sa Jordan, 83-75.