LEO (Jul.23 – Aug.22) Sa mga walang tiyaga, walang sikap at tamad, hikahos ang dadanasin. Kung hangad na umunlad simulan ang magsipag at magsikap. Magtatagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap at magsisimulang pitasin ang tamis ng bunga ng tagumpay. Iwasan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at red.
VIRGO (Aug.23 – Sept.23) Paghunos-dili ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine desire. Sa mga lalaki maging malakas ang masculine desire at kung walang disiplina baka magsisi. Iwasan ang mapaglarong isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magandang ideya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 13, 17, 24 at light green.
LIBRA (Sept.24 – Oct.23) Huwag mag-atubili na ipakita ang kakayahan dahil kailangan ngayon. Magpakahinahon dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan ang kapalit sa mga natapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 30, 37 at green
SCORPIO (Oct.24 – Nov.22) Nasa signos ang aksidente o disgrasya kaya iwasan ang mga dapat iwasan. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay. Mag-ingat. Maaaring makatanggap ng balita mula sa koreo, telepono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 9, 37 at brown.
SAGITTARIUS (Nov.23 – Dec.21) Mapapasakamay ang hangarin sa pag-ibig kung taos sa puso at malinis ang pakay. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay o matatamis na salita kundi sa gawa at pang-unawa. Sikapin na matupad ang pangako sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 25, 36, at dollar green.
CAPRICORN (Dec.22 – Jan.19) Magmahinahon at magpasensiya upang malayo sa disgrasya o away. Kung hindi mapaglabanan ang pagkatamad hindi makakapasok sa pinapasukan o walang magawang trabaho. Kung makapagtrabaho magiging maikli ang pasensiya at magiging mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 32, 37 at indigo.
AQUARIUS (Jan.20 – Feb.18) Maraming makabuluhang bagay ang naghihintay na dapat gawin. Kung gusto ng kaunlaran kilos, sipag at tiyaga ang dapat, huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismisan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 25, 37 at jade green.
PISCES (Feb.19 – Mar.20) Ang pagbibigay halaga sa kalusugan ng magulang o kaanak na may karamdaman ay dapat bigyan ng panahon at masusing pansin. Pakiramdaman ang kutob ng hindi magkamali sa gagawin o desisyon. Ang nasimulaang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at carnilian.
ARIES (Mar.21 – Apr.19) Mapalad na transaksyon ang sadyang darating na dapat huwag paalpasin. Walang dahilan upang magkaroon ng abala sa gagawin. Iwasan na mangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat hindi sirain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 2, 36 at agate green.
TAURUS (Apr.20 – May 20) Iwasan na magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Dalawang uri ang payo, may makakabuti at may nakakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikapin na mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan maging sa pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 25, 36, at royal blue.
GEMINI (May 21 – Jun.21) Kaunting panahon na lamang ang kailangan upang maabot ang hinahangad. Makulay ang panahon sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan na magalit o mag-init ang ulo dahil kung mangyayari walang magagawang trabaho at magiging madilim ang iyong mundo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 36, 41 at fuchsia.
CANCER (Jun.22 – Jul.22) Kung taimtim ang panalangin, mapapawi ang suliran at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa nagmamahal, magulang o kaibigan. Iwasan na magtampo dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin at maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 15, 32 at emerald green.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA