PINAGSAMANG puwersa ng Philippine Christian University ( PCU) Manila at Dasmarinas ang kakatawan sa Team Pilipinas para sa lalahukang Asian Universities Basketball Championship( AUBC) na idaraos sa darating na Lunes sa Bangkok , Thailand.
Nakuha ng PCU Dolphins ang karapatang sumabak sa prestihiyosong AUBC sa pagiging first runner-up ng koponan sa nakaraang Philippine Universities Basketball League( PUBL) na may basbas ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP).
Ayon kay head coach Oscar ‘Biboy’ Simon , ang PCU Manila players ay binubuo nina:
JL Balvarin,
Dave Bagatnan,
Garret Garrucho,
Llyonel Failon,
Castor Troy Manipolo at
Solomon Itam kaagapay na coach si Mark Edison Ordonez habang ang
PCU Dasmariñas naman ay kinabibilangan nina :
Joshua Diño,
Ram Mesqueriola,
Cj Morillo,
Alvin Reyes,
Datu Ali Adas at
Gaiel Escultor
na gigiyahan din nina deputy coaches
Juanito Belandrez at
Michael Guzman
“Our Dolphins are ready to rumble in AUBC Thailand with a mission to bring home the bacon.Laban lang!” pahayag ng dating PBA streakshooter na si Simon kasabay ng pagpaabot ng pasasalamat sa managementb sa kanilang lubos na suporta sa team sa pangunguna nina
(Admins):
Dr. Putli Martha Beata F. Ijiran at ISMAC Director
Mrs. Rosemarie Cinco.
Tutulak pa-Bangkok ang team PCU Dolphins sa Linggo at ang bakbakan ng mga batikang basketball team sa Asia ay lalarga sa Lunes. RON TOLENTINO
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR