(Reuters) – Nagningning si Arsenal skipper Pierre-Emerick Aubameyang sa pagkamada ng 2 puntos upang itarak ang 2-1 win sa Chelsea sa FA Cup final 2020. Nahablot din ng Arsenal ang ika-14 titulo sa torneo. Gayundin ang pasaporte sa susunod na season ng Europa League.
Bagama’t walang fans na nanonood ng laro, nagdiwang ang Arsenal sa Wembley Stadium. Ito rin ang unang kampeonato ni Mikel Arteta bilang manager ng Arsenal.
Iniwan ni Arteta ang role bilang Pep Guardiola assistant sa Manchester City at pumalit kay Unai Emery bilang manager noong Disyembre.
Sapol nang mapako ang iskor sa 1-1, nalusutan ng Gunners striker na si Aubameyang ang defenders. Pagkatapos ay sinipa ng kanyang kaliwng paa ang bola sa 67th minute. Naibuslo ito ni Aubameyang, dahilan upang ipanalo ang Arsenal.
Bagama’t nagtapos sa 8th seed ang Arsenal sa Premier League, naging matamis ang pagiging kampeon nito sa FA Cup.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo