December 24, 2024

ATENEO LADY EAGLES, MAPANGANIB PA RIN SA LA SALLE LADY SPIKERS; ANALYSIS

Nakalusot ang Ateneo Lady Eagles sa stepladder match kontra UST Lady Tigresses. Ibig sabihin, gumana ang championship DNA caliber nito. Kaya, huwag magpakampante ang dalawang teams.

Ang tinutukoy natin ay ang La Salle Lady Spikers at NU Lady Bulldogs. Kahit may twice-to-beat advantage pa ang dalawa. Iba ang fighting spirit ng Lady Eagles. Pati na rin ang mental toughness nito.

Dahil kapag nakalusot o nanalo ang Ateneo sa 1 laro, iba na ang probability nito. Mahihirapan ang La Salle sa semis kung di nila ibibigay ang big shot.

Kung mananalo ang Lady Eagles, may 1 pang laro dahil 2 beses nilang dapat talunin ang kalaban. Pero, ibang usapan na ito dahil parang best-of-1 na ito. Kaya, dikdikan talaga ang laban.

Kung di naman papalarin, aba’y kasado na ang La Salle at NU. Asahang aabot ng 5 sets ang laban ng Lady Eagles at Lady Spikers.