Kinumpirma ng tinaguriang ‘best high school player’ ng bansa na si Jared Bahay na maglalaro siya sa Ateneo de Manila University Blue Eagles sa UAAP.
“I have decided to continue my studies at Ateneo de Manila and play for the Ateneo men’s basketball team. I believe that sustaining my Jesuit education will help unlock and sharpen my potential to the fullest, both on and off the court,” ayon kay Bahay,
Una nang nangako ang 5-foot-11 guard ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu na maglalaro sa University of the Philippines Fighting Maroons subalit nagbago ang isip nito dahil sa “outside forces.”
Kamakailan lang ay pinangunahan ni Bahay ang SHS-ADC para mapagtagumpayan ang ikatlong sunod na titulo sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. Season 23 junior tournament.
Mayroon siyang averaged na 13.2 points, 5 rebounds, at 4.8 assists para sa Philippine team sa FIBA Under-16 Asian Championship noong 2022.
Dahil nasa Ateneo na si Bahay, natatanaw ng Blue Eagles na magbabalik na sila sa podium ngayon taon matapos ang finishing na fourth overall na may 7-win, 7-loss record sa UAAP.
“We’re really happy that Jared opted to come to Ateneo. We’re very excited, knowing that he will be a significant part of our program moving forward,” wika ni Ateneo head coach Tab Baldwin. RON TOLENTINO
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE