Nananatling walang batik ang record ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 84. Ito’y matapos gutayin ang UST Growling Tigers ng 50 points, 101-51 sa laban na idinaos sa SM MOA Arena.
Sa umpisa pa lang ng pagtunog ng buzzer, rumagasa na agad ang Blue Eagles ng 22-8 lead. Sinundan pa ito ng 22-0 rum midway upang iwanan ang UST. Umabot pa sa 53 points ang lamang nila, 101-48.
“I think the difference in the scoreline is a reflection that our coaching staff asked for 40 minutes of performance from our players. We haven’t really given up a 40-minute performance so today we came pretty close,” ani Ateneo head coach Tab Baldwin.
Ang 50-point lead ng Ateneo ay pinakamalaki sapol pa noong UAAP 2003. Bumida sa panalo si Raffy Verano sa pagbuslo ng 18 points at 7 boards. Habang si SJ Belangel ay nag-ambag ng 16 points.
Naitala rin ng team ang 36 straight win (10-0) at pumalaot na sa Final 4 ng season 84. Ito na ang 7th straight appearance nila sa UAAP Final 4. Sunod nilang makahaharap ang NU Bulldogs (4-5). Habang ang UST ay hararap sa Adamson (3-6).
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2