Ang edukasyon ay lubhang mahalaga sa ating kabataan. Sa pamamagitan nito, nahuhunog ang kanilang kasanayan sa pagtuklas ng karunungan. Papaano kung ang kaalamang itinuturo sa kanila ay mali pala?
Ganyan ang nangyari sa isang module na ang paksa ay tungkol sa mitolohiyang Pilipino. Na ang siste ay mali at malaswa sa pakahulugan sa wikang Tagalog.
Ang module ay mula sa Mabalacat, Pampanga para sa Grade 10. Kung saan, inilalarawan ang mga aswang. Lumalabas sa module na diyos ang mga aswang na naghahanap ng maaswang. Na gising kapag gabi para maghanap ng maaswang.
May pakpak ito at nangangain ng tao. Ang masaklap, may naidagdag din na paglalarawan na malaswa ang kahulugan sa wikang Tagalog.
Kailan pa naging diyos ang isang alagad ng dilim sa pangmalas sa mitolohiyang Pilipino? Nakakahiya nga naman.
Kaya naman, inireklamo ang module na ito sa Kamara. Batay sa nakalap na datus ng ‘Error Watch’, nasa 163 pagkakamali sa mga learning materials ang napansing mali. Kaya, inirereklamo ito ng mga magulang.
\Ang datus ay nakalap mula Oktubre 2020 hanggang Hunyo 2021. Bakit daw aniya nakalulusot ang mali-maling module sa DepEd?
Dapat na himaying mabuti ang ginagawang module bago ilatag. Sa gayun ay di makitaan ng mali. Mahalaga ang tamang pagprisenta nito upang di maligaw ng landas ang pag-aaral ng mga bata.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo