Ipinatigil muna ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca sa mga edad na mas mababa sa 60.
Ito ay makaraan ang mga kaso ng blood clot at pagbaba ng platelet count na naitala sa ibang bansa batay sa findings ng European Medicines Agency.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, inabisuhan na nila ang Department of Health na kung may natitira pang suplayng AstraZeneca ay huwag muna itong gamitin sa mga indbidwal na below 60 ang edad.
Sinabi ni Domingo na ito ay habang wala pang resulta ang pag-aaral at wala pang rekomendasyon ang World Health Organization (WHO) hinggil sa umano’y insidente ng blood clot.
Inalam na din ni Domingo sa National Adverse Events Following Immunization Committee at wala namang naiulat na kaso ng pagbaba ng platelets at thrombosis sa mga nabakunahan ng AstraZeneca.
Sinabi ni Domingo na halos wala naman nang suplay ng AstraZeneca sa bansa at sa susunod na buwan pa maaring may dumating na bagong suplay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA