MATAGUMPAY na idinaos ang Season 2 Asia’s Golden Legacy Awards na ginanap sa Grand Ballroom, The Heritage Hotel Manila, Lungsod nakaraang 20 Disyembre 2025 Sabado ng gabi. Pinamahalaan ng Legacy Crown Advertising Corporation ang gabi ng parangal na dinaluhan ng mahigit sa isandaang (100+) awardees mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang entertainment and media, arts and culture, fashion and modeling, education, entrepreneur, at public service sa buong Asya.

Si Dr. Michael Kevin M. Eustaquio, Pangulo at CEO ng Legacy Crown Advertising Corporation, ang nagbigay ng pambungad na pananalita. Ayon kay Dr. Eustaquio, “Ang gabi ng parangal ay hindi lamang paggawad ng mga karangalang natamo sa bawat indibidwal. Bagkus kaalinsabay nito ay ang pagdiriwang ng kultura, katangian, at pamana na piniling maitayo para sa bansa at sa buong mundo.” Ang tema ng parangal ay nakatuon sa kultura na nagbibigay-inspirasyon sa kadakilaan, at ang kahusayan na nagbibigay-kahulugan sa pamana. Dagdag ng pangulo, “Ang tunay na pamana ay hindi nasusukat sa pamamagitan ng mga parangal, sa halip ng tamang katangian ng mabuting pag-uugali.”
Ilan sa mga binigyan ng pagkilala ay sina Rebecca Chuaunsu, Rainier Castillo, Andrew Gan, Mary Shane Castillo, Graciel Hizon, Dr. Jennifer Boles, Bernie Batin, Atty. Lorna Patajo-Kapunan, Dr. Persida V. Rueda-Acosta, Dr. Joseph Lee, Dr. Charlie Mendez, Nerlisa Elyza Francisco Rivera, Rayver Jayson Celestino, Malkhiel Jaiden S. Eustaquio, Rob Andrei V. Vallejo, Milkhail Ethan Garay Deity, Avisha Topacio, Cherry Cua, Althalie Teves, Jayferson “Jj” Rivera Ahaja, Jilcae Sotto Moron, PCOL Sultan Salman H. Sapal, Dr. RADM. Rodolfo M. Yumang, Genie C. Agoilo, Phi-Aus Adventure, at Realtalk Philippines.
Kabilang ang inyong lingkod sa binigyan ng pagkilala bilang ‘Asia’s Premier Filipino Educator and Media Advocate for Excellence in Broadcasting, Journalism and Educational Leadership Award.’ Ang pagkilala ay ang ikatlong beses na iginawad sa ilalim ng Legacy Crown Advertising Corporation: una ay ang World Icon of Excellence and Leadership Awards bilang ‘Multi-Awarded and Most Outstanding Educator with Seal of Excellence in Radio Broadcasting, Journalism and Academic Leadership Award’ nakaraang 21 Hunyo 2025; at ikalawa ay sa Gawad Parangal ng Bayaning Pilipino bilang ‘Renowned Filipino Educator Distinguished Columnist with Remarkable Hero of Excellence in Social Commentary and Educational Leadership Award’ nakaraang 12 Oktubre 2025.
Nagsilbing presentors sina Dr. Michael Kevin M. Eustaquio, Dr. Jennifer Sarmiento-Eustaquio (Pangalawang Pangulo), Ltsg. Amb. Lynette Garay Cerdeña, Ltsg. Chazedelk Cerdeña, Amb. Prof. Dr. Kenneth Guy Salvatus, Rayson Jayson Celestino, Dr. Reymark Coloma Mamuad, Eric Tubirao, Amb. Dr. Tess Pronto, Mila Joy Labanza, Bernie Batin, Krish Jabalia, Jilcae Sotto Moron, Cherry Mae Cua, Rob Andrei De Vera Vallejo, Mikhail Ethan Garay Deity, Malkhiel Jaiden S. Eustaquio, Aviana Topacio Tiu, at Avisha Topacio Tiu. Nagbigay ng natatanging bilang sa pag-awit sina Krish Jabalia, Tanya Percil, Nathan Randal, Mikhail Ethan Garay Deity, Amberleah Medina-Serrana, Raymond Gorospe, at Avisha Topacio Tiu. Si Raymond Gorospe ang naging guro ng palatuntunan. Ang parangal ay nagkaroon ng Fashion Moda at koronasyon ng Mrs. Legacy Crown International 2025 na ipinutong kina Amb. Lynette Garay Cerdeña, Maria Ineka-Azur Alvarez, at Maricon Almarez Amboy. Nagkaroon ng coffe table magazine signing for all the cover magazine sa huling bahagi ng programa.

Matutunghayan ang larawan ng mga pinarangalan at mapapanood ang buong programa ng Asia’s Golden Legacy Awards Season 2 sa fb page at Redbang Productions channel sa YouTube.
Isang mainit na pagbati at pagpupugay sa lahat ng mga binigyan ng mga pinarangalan at sa buong pamunuan ng Legacy Crown Advertising Corporation! Mabuhay!
