PANSAMANTALANG ipinasara ni ‘King of Talk’ Kuya Boy Abunda ang kanyang Asian Artists Agency, dahil na rin sa Covid-19 na hanggang sa ngayon ay patuloy na kumakalat sa buong Pilipinas.
Mas minabuting pansamantalang ipasara ito ni Kuya Boy, dahil inaalala niya ang katayuan ng kanyang mga empleyado.
“Mahal ko ang aking mga empleyado, pamilya na rin ang turing ko sa mga iyan. Prayoridad ko ang kanilang mga kapakanan, kaya mas gusto kong ligtas ang kanilang mga kalusugan. Hindi natin nakikita ang pandemiya na iyan, kaya ibayong pag-iingat ang gusto kong kamtin nila,” paliwanag ni Boy.
“Pansamantala lamang ang pagsasara ng aking Asian Artists Agency, ‘pag normal na ang lahat ay muli kaming babalik. Alam kong nauunawaan naman nila ang lahat nang nangyayari sa atin. Ako naman andyan lang ako sa kanila at handang tumulong, kaya huwag nilang isipin na ang pagsasara ng aking agency ay pangmatagalan. Panahon lang kasi ngayon ng lockdown, halos lahat naman ay naapektuhan pero babalik pa rin naman kami,” dagdag pa ni Boy.
Kung sa bagay totoo iyan, mahalaga talaga kay Kuya Boy ang kanyang mga empleyado. Kahit hindi nga niya empleyado, grabe niyang ituring parang kasama niya sa loob ng kanilang opisina dahil sobra kung ilingap o tulungan niya ang mga ito.
More Stories
BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO HIWALAY NA
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest