NASUNGKIT ni Maria Mae Ballester ang gintong medalya sa arnis habang podium finish naman si wrestler Ailiah Rose Gavales sa dalawang weight categories ng Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex.
Dinomina ni Bsllester ang senior’s traditional sa single weapon at double weapon sa forms competition katulad ng output nina Melody Legaspi at Cloie Tutor sa junior division na ipinamalas nila sa Ninoy Aquino Stadium .
Sa Rizal Coliseum naman, pinadapa ni Gavales si Cathlyn Vergara,4-1 sa gold medal match ng 63 kgs freestyle event at silver naman ang nahablot niya sa 57 kg traditional category nang maungusan ni Amber Arcilla 10-9.
Nangibabaw din sa kani-kanilang dibisyon sina wrestlers Chamel Gem Angan sa 53 kgs freestyle ,Hannah Khariz Alipala sa 57 kgs traditional, Xylem Villanueva sa 68 kg, Christin Joy Oberez sa 52 kgs, at M-J Cater sa 58 kgs.
Nagpasiklab naman ang grapplers ng national team ss pangunguna ni Jiah Pingot na ginapi si Kady May Carabuena sa freestyle senior 53 kgs habang si Grace Loberanes ay iginupi si Jhoy Bondad sa 57 kg traditional event. Ang anim na araw na kumpetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission ay suportado ng Pocari Sweat at Go21.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!