
Itinarak ng Army Black Mamba ang kalamasan sa Chery Tiggo at winalis ito kontensyon. Nilikida ng kamandag ng Lady Troopers ang Crossovers, 25-20, 25-23, 25-22 sa PVL Invitational Conference.
Bumida si Ivy Perez sa panalo na bumira ng 17 excellent sets. Kasama na rito ang 6 points, 4 attacks at 2 aces. Nanguna naman si Jovelyn Gonzaga sa opensa at depensa ng team. Kumana ito ng 15 points off 12 attacks, 3 blocks, 18 digs at 7 receptions. Nag-ambag naman si Audrey Paran ng 8 points.
Dahil sa panalo, may pag-asang makasampa sa semis ang Army na may 3-2 record. Habang ang Crossovers ay bumagsak sa 1- 4 record.
Nanguna naman sa opensa ng Chery Tiggo sina Mylene Paat at Shaya Adorador ng tig-11 points.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT