
Puwede na ngayong hindi gamitin ng babaeng may-asawa ang apelyido ng kanyang mister at sa halip ay panatilihin ang kanyang apelyido o maiden name.
Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10459 na nag-aamyenda sa New Civil Code of the Philippines, na nagsaad na maaaring gamitin ng babaeng may-asawa ang kanyang maiden name.
Sa botong 227-0, nilinaw ng panukala na puwedeng ituloy na gamitin ng babae ang kanyang apelyido sa halip na ang apelyido ng kanyang kabiyak.
“This is no small feat for women,” ani Rep. Arlene Brosas (Gabriela party-list), isa sa may-akda ng panukala. “Sa totoo lang, isang welcome development ito sa pagkilala sa legal na pagkakakilanlan ng mga babae mula sa kanilang mga kabiyak,” aniya pa.
More Stories
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’
PAGASA: MATINDING INIT SA LUZON, POSIBLENG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA MINDANAO NGAYONG BLACK SATURDAY