January 26, 2025

Apelang piyansa tinabla ng Muntinlupa RTC… DE LIMA MANANATILI SA KULUNGAN

Binasura ng Muntinlupa court ang petisyon ni dating Sen. Leila del Lima na makapaghain ng piyansa sa natitira nitong drug case.

Sa ipinalabas na desisyon ni Presiding Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256, tinanggihan ang petisyon at mosyon ni de Lima at ng mga kasama nitong akusado na sina Franklin Jesus Bucayu, Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera na makapagpiyansa.

“Wherefore, premises considered, the instant petitions and motions for bail are hereby denied,” ayon sa desisyon ng korte.

Ipinabatid din ni Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, ang kanilang pagkabigo.

“Sad to inform you that the Court denied [former] Sen. Leila’s bail application,” ani Tacardon sa mga mamamahayag. Dahil dito, mananatiling nakadetine ang dating senadora habang dinidinig ang huli niyang kasong may kinalaman sa illegal drugs.