NANATILING malinis ang record ng AP Bren sa One Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational (MPLI) sa Jakarta, Indonesia.
Pinulbos kasi ng reigning MPL Philippines champions ang Dewa United Esports at kalaunan ay pinadapa ang North American squad na TheOhioBrothers na mayroon ding 1-0 na panalo.
Sa ginanap na World Cyber Games sa Korea, na-disqualify ang AP Bren matapos ireklamo ng ibang team ang mga manlalaro ng AP Bren na may incorrect na ID registered. Binatikos naman ito ni head coach Francis “Duckyyyy” Glindro nang mangyari ito noong Mayo. RON TOLENTINO
More Stories
PBBM nireorganisa NSC… VP SARA, MGA DATING PANGULO OUT!
POC busy na para sa 1st Winter Olympics Harbin Games – Tolentino
Iwas pila… NAVOTAS ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMITS