
TULOY-TULOY ang pag-arangkada ng pambato ng Pilipinas na AP Bren sa Mobile Legend Bang Bang matapos umabante sa knockout stage ng M5 World Championship.
Dinomina ng koponan ang Group C ng torneo ng talunin ang Burmese Ghouls ng Myanmar, Team Flash ng Singapore at Team Lilgun ng Mongolia.
Nakapagtala ang koponan sa pagtatapos ng round na kumpletong 3-0 match records at 6-0 game record ang naitala ng pambato ng Pilipinas.
Samantala, bumagsak naman ang Blacklist International sa lower bracket matapos matalo ng Turkish Team Fireflux Impunity. RON TOLENTINO
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon