Nakahandang patawarin ni Jayke Joson ng Frontliners Partylist ang kaibigang si Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa pambibintang umano sa kanya. Inaakusahan kasi si Joson na siya raw tumangay ng pera mula sa Paradigm Sports.
May nakaantalang kaso ang ‘Fighting Senator’ sa nasabing ahensiya. Ito ay dahil sa kasog breach of contract sa California state court.
Inireklamo nito si Pacquiao dahil sa pagkasa sa laban sa ibang boksingero. Gayung labas ito sa napirmahang kontrata ng Paradigm Sports.
Aniya, nagbigay ng cash advance ang promotion sa halagang $2-million o lagpas sa P100M. Na ang inilatag na kontrata ay ang paglaban nito kay UFC icon COnor McGregor. Pero, naudlot ang laban.
Gayunman, sinabi ni Jayke na tinakbuhan sila ni Arnold Vegafria ng P65 milyon ni Pacman. Si Vegafria ang business manager ng boxer at mambabatas. Aniya, nakalikom sila ni Arnold ng P65 milyon at ibinigay sa senador. Ito ay mula raw sa bulsa nila.
“Nakapag-raise po kami sa sarili naming pera na P65M. So, nakuha po niya P165M sa amin.
“P65M, sa amin dalawa ni Arnold, personal money. Nagkasanla-sanla po kami para lang itulong at ibigay kay Senator Pacquiao. And then, yung P100M, sa Paradigm.
“To cut the long story again, part 3, nabigay namin ang pera, nagkasanla-sanla po kami, nakuha niya yung pera ng Paradigm, tinakbuhan po kami,” aniya. Dahil dito, nagkalamat ang pagkakaibigan nila ni Pacquiao.
“Ongoing sa Amerika, anytime soon baka lumabas na yung desisyon. And I’m very, very, very sure, panalo po ang Paradigm, that’s another problem for Sen MP that we cannot control anymore.”
“Kahit ba yakapin ako ni Manny, umiyak sa akin, mag-sorry sa akin, yes, yayakapin ko, patawarin ko siya.
“Mahal kita Sen MP, hindi kita pupuwedeng pabayaan, but you have to face the law, justice. Then, ‘yon yung papasok na kaso, yung Paradigm.”
“Kasi you break the law, you have to face the law.”
Ayon pa sa chief of staf ng senador, hindi siya kasama sa sinusuwelduhan ng senador.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna