December 24, 2024

ANU-ANONG TEAM NGA BA ANG MAMAMAYAGPAG SA PVL OPEN CONFERENCE

Ngayong papalapit na ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, excited na ang mga fans dito.Malaki kasi ang pagbabago ng liga. Bukod sa pro league na ito, nadagdagan pa ng ibang teams mula sa ibang liga.

Sa tindi ng mga players na nakasalang sa mga teams, tiyak na exciting ang match-ups sa Mayo.Anu-anong teams nga ba ang mangingibabaw sa Open Conference? Sino ang papasok sa Final 4?

Creamline Cool Smashers, Coach: Tai Bundit

Isa sa mga top contenders sa liga ang Cool Smashers. Ilang beses na rin silang nakapasok sa Final 4 at sa finals.Loaded ng mga talented at mahuhusay na players ang team. Masasabing ‘super team’ nga ito sa PVL.

Babandera sa Cool Smashers si Alyssa Valdez, Michele Gumabao at Jema Galanza.Isama pa si Jia Morado, Celine Domingo at Melissa Gohing.

F2 Logistics Cargo Movers, Coach: Ramil De Jesus

Loaded ang team na ito ng DLSU volleybelles. Sanay na sa laro ng isa-t-isa. Nagkakaamuyan na ng plays. Ilang beses nang nagkampeon sa PSL. Isa rin ito sa super team.

Kabilang sa pambato nito sina Aby Maraño, MaJoy Baron, Dawn Macandili at Ara Galang. Gayundin si Kim Fajardo at Kim Dy.

Cherry Tiggo Crossovers, Coach: Shaq De los Santos

Hindi rin dapat maliitin ang Cherry Tiggo. Isa ito sa team na dapat katakutan. Lalo na’t nasa kanila si Jaja Santiago at ang ate nitong si Dindin Manabat. Gayundin si Elaine Casilag, Eya at EJ Laure at Mylene Paat.

PLDT Home FIBR Hitters, Coach: Roger Gorayeb

Bagamat underrated ang mga players sa line-up, tiyak na aalagwa din ang Fibr Hitters. Ito ay dahil sa karanasan at teknik na ilalapat ni coach Roger.

Pambato ng team ang NCAA MVP Maria Shola Alvarez, Iza Molde at Eli Soyud. Alas din nila ang veteran na si Rhea Dimaculangan at Toni Basas.

Sta Lucia Lady Realtors,Coach: Eddison Orcullo

Hindi rin papahuli ang Lady Realtors dahil matitikas din ang players ng mga ito. Pambato ng team si Mika Reyes, Aiza-Mazo-Pontillas at Kai Nepomuceno Baloaloa.

Isama pa sina Bang Pineda, Royce Tubino at Jackie Estoquia.