
Kumama si Anthony Davis ng double-double para pangunahan ang Los Angeles Lakers sa panalo. Nilunod ng Lakers ang Phoenix Suns, 109-95 sa Game 3 ng Western Conference playoffs series.
Dahil sa huge win, lamang na sa series ang Lakers sa kartadang 2-1. Nagtala si Davis ng 34 points at 11 rebounds.
Tumulong naman si LeBron James na nagtala ng 21 points, 9 assists at 6 boards. Nag-ambag naman si Dennis Schroder ng 20 points, 4 assists, 3 boards at 2 steals.
Halos dikit lang ang laban sa first half. Ngunit, bumanat ang Lakers sa second half at iniwan na ang Phoenix.
Kumamada naman sa Suns si Deandre Ayton ng 22 points, 11 boards at 2 blocks. Si Devin Booker naman ay nagtala ng 19 points, 6 assists at 4 boards.
Ang Game 4 ay idaraos pa rin sa Staples Center sa Linggo.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT