Nangunguna sa MVP race si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokunmpo. Angat ang reigning 2019 MVP sa mga karibal na sina Lebron James at James Harden.
Si Antetokounmpo ay isa sa susi sa pangunguna ng Bucks sa Eastern Conference. Siya ang heavy favorite na makakasungkit ng 2020 MVP award.
Kandidato rin ang 25-anyos na Greek cager sa ‘NBA Defensive of the Year’. Kung saan, karibal niya sa award si Anthony Davis ng Lakers at Rudy Gobert ng Utah.
Bukod kay Giannis, candidate din si Bucks coach Mike Budenholzer. Kabilang si Budenholzer sa three nominess bilang ‘Coach of the Year’. Karibal nito si Billy Donovan ng Thunder at Nick Nurse ng Raptors.
Kandidato naman para sa ‘Rookie of the Year’ sina Zion Williamson ng Pelicans. Gayundin sina Kendrick Nunn ng Heat at Ja Morant ng Grizzlies.
Sa iba pang category, candidate naman bilang ‘Most Improved Player’ si Luka Doncic ng Dallas. Gayundin si Brandon Ingram ng Pelicans at Bam Adebayo ng Miami.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2