
Bumida si Giannis Antetokounmpo sa panalo ng Milwaukee Bucks sa New York Knicks, 123-108.Bumira si ‘The Greak Freak’ ng 38 points, 13 boards at 5 assists.
Naglista naman si Jrue Holiday ng 24 points at 10 assists. Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 20 points at 7 rebounds.
Samantala, nanguna naman sina Chris Paul at Devin Booker sa panalo ng Phoenix Suns. Kinatay ng Suns ang Minnesota Timberwolves, 134-124.
Kumana si Booker ng 29 points at 9 assists. Si Chris Paul naman ay nagtala ng triple-double. Gumawa ito ng 21 points, 12 assists at 10 boards. Lumagare naman si Anthony Edwards ng 27 points at 10 assists sa Minnesota.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT